Dapat suriin ng Department of Education (DepEd) kung natututo nga ba ang mga mag-aaraL sa ilalim ng distance learning set up sa kabila ng pahayag ng kagawaran na walang malinaw na basehan ang mga ulat hinggil sa malawakang dropout.
Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, isa ring nakakabahalang sitwasyon kung umakyat ang bilang ng mga mag-aaral na hindi handa para sa susunod na antas ng kanilang pag-aaral.
Sabi ni Gatchalian, masasayang lamang ang panahon at salapi na ginugol sa isang buong school year kung umabot sa sitwasyon na wala palang sapat na natututunan ang mga mag-aaral.
“Dito papasok ang papel ng assessment sa distance learning para malatag kung saang aspeto ang dapat tutukan sa pag-aaral ng mga bata nang sa gayon ay malaman kung saan sila nahihirapan,” ani Gatchalian.
Para sa senador, ang pagtukoy sa mga ito ay makatutulong para malaman kung kinakailangang magsagawa ng mga remedial program. (Dindo Matining)
The post Gatchalian sa DepEd: Distance learning repasuhin first appeared on Abante Tonite.
0 Comments