Edu Manzano happy for son Luis's engagement to Jessy Mendiola

Hindi maitago ni Edu Manzano ang kanyang kasiyahan mula nang malaman niyang engaged na ang kanyang panganay na anak na si Luis Manzano, 39, sa long-time girlfriend nitong si Jessy Mendiola,28.

Pahayag ng 65-year-old actor-TV host, “I’m just happy for him.

“At least, nakatagpo na siya ng babaeng masasabing nagkakaintindihan sila.

“'Coz, you know, being married at kung ikaw ay bahagi ng industriya natin, you, makikita mo rin kung gaano kahirap ang mag-maintain din ng isang marriage.

“Kasi lalo na yung mga oras… kung saan ka dinadala ng iyong mga trabaho."

Patuloy ni Edu, “Pero marami ring bagay na nagbago dahil sa pandemic, at suwerte yung mga naka-lock in ngayon kasi less hours ang shooting nila. Mas binibigyang pansin ang kanilang kalusugan.

“So, I’m sure si Luis, naghintay ng mahaba-habang panahon para makapagdesisyon nang ganito.

“So, I’m happy for him, kasi siya lang ang nakakaalam.”

Si Luis ay anak ni Edu sa kanyang first wife na si Lipa City Representative at Star For All Seasons Vilma Santos.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Edu sa presscon/contract signing ni Claudine Barretto para sa kanyang comeback movie sa Borracho Film Production ni Atty. Ferdinand Topacio.

Ginanap ang ginanap sa Emar Suites, Shaw Boulevard, Mandaluyong City, noong January 25.

Nagbigay-suporta si Edu sa dating Kapamilya actress dahil magkasama sila sa pelikulang Mamasapano kung saan may special appearance si Claudine.

JESSY IS THE ONE FOR LUIS

Sa tingin ni Edu, ano ang mga katangian ni Jessy kaya nagdesisyon ang panganay na anak ito na ang makasama niya habambuhay?

Saad niya, “You know, I’m sure… kung isang babae naging bahagi ng buhay mo, may mga katangiang talagang nagustuhan mo.

“So it’s not for me to determine but for my son, because siya yung person na involved.

“Kung sino man ang naging bahagi ng buhay niya, there had been a moment for that person to be very, very special.

“But now, sabi nga, he decided to take the plunge with Jessy, so big step, big step.”

Humingi ba sa kanya ng payo si Luis tungkol sa plano nitong alukin ng kasal ang girlfriend nito?

Sagot ni Edu, “Ah, advice? Never!

“Ako na ang nagsasabi sa kanya, ‘Huwag mo akong hingan ng advice.’

“Actually, pinag-usapan, pero sinikreto, e.

“You know, we respect my son’s wishes and that of Jessy, so ini-inform kami ni Vilma, pero hanggang dun lang.”

May date na ba ang kasal ng dalawa?

Pabirong sagot niya, “Ba’t sila magdi-date? Ikakasal na nga."

Pero seryosong pagpapatuloy ni Edu, “Wala pa yung buwan.

“Yung final date dapat…pero ang pinakaimportante sa kanya [Luis] at this point, was yung inanunsiyo nila yung engagement.

“Parang ganun na rin yun, di ba?"

Excited na ba siyang maging lolo sa magiging unang anak ng dalawa?

Aniya, “Ako, ayokong kuwan. Ayokong… kasi minsan, maraming… pressure ‘yan sa couple.

“When you talk about being a lolo, or being a lola, I don’t want to put that kind of pressure on them.

“They’re very young, they both have successful careers. Depends kung ano yung kanilang ipapa-prioritize.

“Ako, kung ano ang magiging desisyon nila, I’m happy.”

[ArticleReco:{"articles":["156318","156312","156307","156288"], "widget":"Hot Stories"}]

Post a Comment

0 Comments