
MAKIKILATIS ang tikas ni Bebang sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na ilalarga ngayong araw sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
May 12 balanseng karera ang pakakawalan ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) at inaasahang aabangan ng mga liyamadista ang pagtakbo ni Bebang sa race 10.
Rerendahan ni class B rider EG Guerra si Bebang, target nila na masilo ang added prize na P5,000 na inisponsoran ng Philippine Racing Commission.
Ayon sa mga dehadista, posibleng mabigyan ng laban si Bebang nina Indelible Quaker at Classic Gee.
“Magaling si Bebang pero marami rin na magagaling na kasali kaya anybody’s race yan,” hayag ni Pablito Macaranas.
Ang ibang kalahok sa 1,400-meter race ay sina Wishful Thinking, Deeper, Ashley’s Gift, Honeywersmypants, Princess Via, Kingwash Rebuilt, Major Ridge, Twelvetwentyseven, Victory Dance at I Love Matty.
Samantala, bukod sa nasabing karera, paniguradong puntirya rin ng mga karerista ang carryover sa Winner Take All (WTA). (Elech Dawa)
The post Bebang may laban first appeared on Abante Tonite.
0 Comments