Pirmadong Jordan card pumalo ng P69M

UMABOT sa halagang $1.4-M o katumbas ng lampas P69 milyon ang pirmadong basketball card ni NBA legend at itinuturing na Greatest of All Time (GOAT) na si Michael Jordan.

Ang 1997 Upper Deck Game Jersey Michael Jordan Card ay bihira kaya naman mataas ang naging halaga nito sa auction, ang dating rekord na $500K para sa card ni MJ ay nalampasan na.

Ang $1.4-M na basketball card ay may malinaw na pirma ni Jordan.

Mayroong 69 phone bids ang card na ito sa ginawang subastahan ng Heritage Auctions, Pebrero 4 nang mabenta ito.

Mula nang ilabas ang dokumenteryo na ‘Last Dance’, lahat ng memorabilia ni Jordan ay tumaas ang halaga. (Sarah Jireh Asido)

The post Pirmadong Jordan card pumalo ng P69M first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments