
Nakausap ng aming source ang ilang staff ng beauty clinic na dating pinupuntahan ng isang kilalang female personality.
Dati pala ay halos du’n na siya nakatira pero ngayon ay bihirang-bihira na siyang makita du’n.
Nauntog na sa katotohanan ang female personality na ang natural niyang ganda ay hindi na nangangailangan ng operasyon. Mas maganda siya kapag walang retoke.
Kuwento ng aming source, “’Yung dati muna ang ikukuwento ko bago ang ngayon. Kapag may bago palang procedure sa beauty clinic nu’n, e, si ____(pangalan ng female personality) ang unang-unang nagpapagawa.
“Halos du’n na siya nakatira, mula morning hanggang sa magsasarado na ang clinic, e, nandu’n pa rin siya. Naadik sa retoke ang female personality!
“Talagang lahat ng bagong procedure, ipinagagawa niya sa face at katawan niya, kaya ayun, nagmukha tuloy siyang ewan!” unang kuwento ng aming impormante.
Hindi nagustuhan ng buong bayan ang pagbabago ng kanyang itsura, ikinumpara pa nga siya sa isang super-sikat na Pop Icon na pumanaw na, dahil parang naglabu-labo na ang mga bahagi ng kanyang mukha.
Patuloy na chika ng aming source, “Isa nga siguro sa mga dahilan kung bakit bumitiw na siya sa pagpaparetoke, e, ang mga pintas na ibinato laban sa kanya nu’n ng mga netizens.
“Anumang sobra talaga, e, hindi nakagaganda, ganu’n ang nangyari sa kanya, ibang-iba na talaga ang itsura niya nu’n! Para na siyang ibinabad sa gamot, parang nag-aaway-away ang parts ng face niya!
“Nag-decide siyang ipatanggal ang ibang ipinagawa niya. paisa-isa, hindi puwedeng bigla, dahil may healing period ang bawat operasyon.
“Nu’ng ipatanggal na niya, di ba naman, ang ganda-ganda na niya uli? Maganda naman kasi talaga si girl nu’ng hindi pa siya nagiging adiktus sa operasyon, e!
“Soft ang beauty niya nu’n, hindi matapang na tulad ng nangyari nu’ng nagpasalamat doktor na siya! Ang tapang-tapang ng itsura niya!
“Ngayon, marami nang pumupuri sa kagandahan niya. malambot na uli ang itsura niya, hindi na siya nakakatakot tingnan!” seryosong pagtatapos ng aming impormante.
-o0o-
Julia ‘di totoong dyowa ng bilyonaryong negosyante
Malaking kuwestiyon para sa amin kung bakit kahit saan kami magpunta ay may isang tanong ang ating mga kababayan na hindi namin masagot nang diretso.
Lalo na kapag mga taga-alta sosyedad na ang nagtatanong, nag-aapuhap kami ng maisasagot, wala kaming maitugon.
Matagal na panahon nang pinagkukuwentuhan ang isyu, pero hindi mamatay-matay, totoo raw bang isang bilyonaryong negosyante ang “may hawak” kay Julia Barretto?
Ito raw ang nagpatayo ng magarbo niyang bahay, ang nagsusustento sa young actress ng halagang nakakalula buwan-buwan, bakit kaya walang kamatayan ang kuwentong ‘yun?
Hindi namin pinagtatakahan ang kapasidad ni Julia sa pagpapatayo ng bahay. Sumikat ang tambalan nila ni Joshua Garcia, marami silang proyekto, idagdag pa ang talent fee na tinatanggap niya sa paggawa ng kaliwa’t kanang TVC.
Ang laki-laki ng TF niya sa paggawa ng commercial, maraming produkto siyang ineendorso, kapag pinagsama-sama ang kinikita niya sa larangang ‘yun ay hindi nakapagtatakang makapagpatayo siya ng bahay na pinapangarap niya.
Pero patuloy pa rin ang pang-uusisa ng mga kababayan natin kung totoong karelasyon niya ang isang bilyonaryong negosyante. Kilalang-kilala ang lalaki sa mundo ng pangangalakal.
Parang lumalabas tuloy na ang relasyon nila ni Gerald Anderson ay isang makasaysayang “all for show” lang dahil may isang bilyonaryong businessman sa likod ni Julia Barretto.
Isang matibay na patotoo kung bakit hindi kapani-paniwala ang kuwento ay ang kanyang mga tiyahing sina Gretchen at Claudine.
Kung totoo ‘yun, di sana’y ginawa nang armas ‘yun laban sa kanya ng mga kapatid ng kanyang ina nu’ng kasagsagan ng kanilang away, miyembro rin ng alta sosyedad si Gretchen dahil kay Tony “Boy” Cojuangco.
The post Female personality tigil adik sa reroke first appeared on Abante Tonite.
0 Comments