Durant iritado, pinatigil sa laro

HINDI nakasama sa starting five sa unang pagkakataon sa kanyang 14-year career at pinatigil p sa gitna ng paglalaro si NBA superstar Kevin Durant dahil sa health protocol bunsod pa rin ng COVID-29 cases.

Mahigpit ang pagpapatupad ng safety protocols sa NBA kaya naman naperwisyo si Brooklyn Nets star Durant, na nag tweet ng “free me” dahil sa pagkairita.

Hindi nakasama sa starting unit laban sa Toronto Raptors kahapon si Durant dahil kailangang masuri ang two-time NBA champion.

Nagkaroon ng contact si Durant sa taong exposed sa coronavirus (COVID-19).

Nang masigurong negative si Durant ay pinayagan na itong maglaro at pumasok siya bandang 4:13 minuto sa first quarter.

Bago natapos ang third period, tuluyan nang inilabas ang player dahil sa safety protocol at hindi na natapos ang laro.

Nagwagi ang Raptors, 123-117. (Elech Dawa)

The post Durant iritado, pinatigil sa laro first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments