Geneva kinuyog ng mga fan ni Sarah

NI: ARCHIE LIAO

Hindi nagustuhan ng Popsters (tawag sa mga fan ni Sarah Geronimo) ang bagong titulong Pop Royalty na ibinigay kay Geneva Cruz ng producers ng Your Face Sounds Familiar.

Anila, bukod sa confusing ang titulo, nag-iisa lang daw ang misis ni Matteo Guidicelli bilang popstar royalty.

Hirit pa nila, never pa rin daw naabot ng Anak ng Pasig singer ang kasikatan ni Sarah para i-level up ito sa kanya.

May mga nagsasabi pang one hit wonder lang ang sexy singer-actress kumpara kay Sarah na maraming na-achieve sa music, recording at movie industry.

Pagtatanggol naman ng ilan sa produ ng show, wala raw sinumang artist na may monopolya sa anumang titulo.

Ultimately, ang mga tao pa rin daw ang manghuhusga in the end.

Bago pa rito, nagpasintabi na si Geneva sa mga fan ni Sarah G nang malamang binigyan siya ng nasabing title ng YFSF.

Hirit niya, hindi raw hiningi ito dahil ang gusto lang daw niya ay makapag-perform at hindi maka-offend ng sinuman.

Katunayan, kinausap pa nga raw niya ang producer ng show na baguhin ang titulo niya para maiwasan ang pagkalito.

The post Geneva kinuyog ng mga fan ni Sarah first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments