Gerald Anderson's reminder amid the pandemic: "Sana maging sensitive din tayo."

Maging sensitibo at huwag gawing kumplikado ang buhay.

Ilan ito sa mga paalalang ibinigay ni Gerald Anderson ngayong halos isang taon nang nananalasa ang pandemya.

Kahit si Gerald daw, nagkaroon ng pagkakataong alamin ang kanyang mga prayoridad sa buhay ngayong may health crisis.

Na-interview ang ABS-CBN actor sa Kumu online show ni Ces Drilon, ang Bawal Ma-Stress Drilon, nitong Lunes, February 1.

Kasama ni Gerald sa interview sina Yam Concepcion at JM de Guzman, na co-stars niya sa upcoming Kapamilya teleseryeng Init sa Magdamag.

Natanong ang tatlo kung ano ang matututunan ng mga kabataan sa kanilang teleserye.

Sagot ni Gerald, “It’s all about the challenges na hinaharap po natin araw-araw.”

Panawagan pa niya, sana ay maging sensitibo tayo sa nararamdaman ng iba, lalo na ngayong may pandemya.

“Sana maging sensitive din tayo sa mga ibang tao, na hindi po natin alam kung anong pinagdadaanan nila sa buhay.

“Hindi po natin alam na may mga kanya-kanya po tayong challenges, e.

“Kanya-kanya yung hinaharap natin, so let’s try to be sensitive and sana may concern din tayo para sa iba.”

May payo ba siya sa mga kabataan kung paano harapin ang pandemya?

“Just keep things simple,” sagot ni Gerald.

“’Yan naman ang pinakaimportante sa mga natutunan ko. Don’t complicate life.

“Ang daming pwedeng magbago, and the more you keep it simple, the better.”

Paano niya ito ina-apply sa kanyang buhay?

“Pagdating lang sa mga priorities sa buhay, pagdating sa mga…” biglang naudlot ang paliwanag ni Gerald dahil naputol ang kanyang internet connection.

Nasa Zambales daw ang aktor nang gawin ang virtual interview. May pag-aaring resort si Gerald sa Botolan, Zambales.

BACK TO WORK

Samantala, nagkuwento rin si Gerald sa pagbabalik niya sa trabaho.

Aniya, naka-lock-in taping sila. Kadalasan, dalawa o tatlong linggo silang magkakasama sa isang location.

“It’s a very different set-up talaga,” paglalarawan niya sa taping sa gitna ng pandemya.

“Ang tagal mong naka-lock-in. After ng taping, para siyang routine.

"Babalik ka lang sa kuwarto, magpapahinga, gigising ka ulit, taping ka ulit.

“But yun po ang sitwasyon natin. Di pa tapos ang pandemic.”

Ang kabutihan daw ng ganitong set-up ay may pagkakataong mag-bonding ang mga artista at ang production team.

“Isa sa mga pinaka-okay pag ganito yung set-up namin, parang two weeks kaming magkasama, three weeks kaming magkasama, mabilis din pong makuha yung character and hindi ka nawawala.

“After two-three taping days, hindi ka na nawawala sa character kasi paulit-ulit… parang routine na po siya.”

Sa kabila ng adjustments, masuwerte pa rin daw si Gerald na may trabaho siya.

“At the end of the day, we’re very lucky because meron pa kaming trabaho, and we still get to do our passion, at makakapagbigay po kami ng magandang show para sa tao.”

[ArticleReco:{"articles":["156466","156457","156461","156465"], "widget":"Hot Stories"}]

Post a Comment

0 Comments