GM Antonio palalawakin ang chess

Hangad ng Iloilo Kisela Knights na pinangungunahan ni GM Rogelio Antonio Jr. at team owner-manager Leo Sotaridona na pawalakin pa ang sport na chess sa bansa mula sa tulong ng Professional Chess Association of the Philippines (PCAP).

Ngayong may COVID-19 pa kasi ay karamihan sa mga Pinoy ay natutuon ang pansin sa paglalaro ng nasabing board game.

“Chess is always one of the more popular sports among the Filipinos. And now with the coronavirus pandemic keeping all of us at home, there is a clamor to play chess online,” pahayag ni Antonio sa “Usapang Sports on Air” ng Tabloids Organization sa Philippine Sports via Zoom nitong nakaraang Huwebes.

Malaki rin ang tiwala ni ‘Iron Man’ Antonio na kayang mag-adapt ng mga Pinoy sa online.

“Magagaling naman tayong mga Pilipino kahit sa online chess. Although it is a lot different than face-to-face chess, we have adjusted well enough to stay competitive,” dagdag pa nito sa weekly public service program handog ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Amusements and Gaming Corporation (PAGCOR) at Games and Amusements Board (GAB).

Pinuri rin ni country’s 3rd GM Antonio sina Atty. Paul Elauria, Michael Angelo Chua at ang Iloilo Kisela Knights sa pagpapalawak pa ng chess gamit ang binuong asosasyon na PCAP sa kabila ng pandemya.

“PCAP, which started only last Jan. 16, is very timely since it gives players fron Luzon, Visayas and Mindanao the opportunity to play chess during this pandemic,” ani Antonio.

Nagpapasasalamat si 58-anyos chess master kay GAB chairman Abraham ‘Baham’ Mitra sa pagtulong sa PCAP at sa buong miyembro ng organisasyon.

“Gaya nga ng nasabi ng mga kasama ko, malaking tulong ang PCAP sa aming mga players. Nabigyan kami ng pagkakataon na makapaglaro ng chess habang kumikita para sa aming pamilya,” pahabol nito. (Aivan Episcope)

The post GM Antonio palalawakin ang chess first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments