
IMBES na sa court magbabad si volleybelle Mika Reyes ay tampisaw muna ito sa dagat nang maispatang nagsu-surfing.
Sulit ang weekend getaway ng former DLSU Lady Spiker nang makisabay ito sa alon habang nakadapa sa surfboard.
“Nakakapagod pero masaya!,” kuwento ng 26-anyos na dalaga sa kanyang Instagram post.
Sa ngayon ay hindi pa umaaksiyon ang Sta. Lucia Lady Realtors ni Mika dahil hindi pa rin nagbabalik ang Philippine SuperLiga (PSL). (Aivan Episcope)
The post Mika relaks sa surfing first appeared on Abante Tonite.
0 Comments