Heart never inutangan ng mga ex

Sa kanyang latest vlog, nagkaroon si Heart Evangelista ng pagkakataon na sagutin at linawin ang mga tsika at isyu sa kanya noon sa episode na “Reacting to the craziest rumors about me.”

Ilan sa mga isyung sinagot niya ay may kinalaman sa mga lalakeng na-link sa kanya.

Dahil independent at galing sa buenang pamilya, naurot na nagkaroon daw ba sila ng di pagkakaunawaan ng isa sa kanyang ex dahil sa pera.

Aniya, never daw nangutang sa kanya ang sinuman sa kanyang mga ex.

Tungkol naman sa akusang gold digger at materyosa siya, hindi raw totoo ito dahil hindi raw naman pera ang habol niya sa isang karelasyon.

Gayunpaman, wala raw naman siyang nakikitang masama kung maghanap ang isang babae ng partner na financially stable.

Kaya nga raw nagtratrabaho siya, gusto raw niyang maging financially independent sa kanyang asawa . ‘Yung matustusan ang kanyang hilig at adbokasya na hindi na kailangang humingi pa ng ayuda kaninuman.

Sa isyu namang ikinasal na raw siya secretly before, never daw nangyari ito dahil iisa lang ang mister niya, ang Sorsogon governor na si Chiz Escudero.

Sa isyu namang nagkaanak na siya sa isang karelasyon sa Davao, idinenay ito ng Kapuso actress.

Aminado naman siyang nabuntis siya noon at nakunan at ikina-depress niya ang nasabing miscarriage pero ito ay sa beybi nila ni Chiz.

Sey pa niya, plano raw niyang mabuntis pagkatapos ng pandemic.

Ang problema raw ngayon sa kanila ay ‘timing’ dahil madalas ay nag-i-stay si Chiz sa kanyang constituents.

Kung umuwi man daw ito ay madalas na natitiyempo sa panahong hindi siya fertile, kaya hindi sila makabuo.

Nilinaw rin niya na wala siyang “ghost painter o designer” dahil siya mismo ang nagpipinta o nagdidisensyo ng kanyang artworks.

Therapy raw kasi sa kanya ang trabaho kaya pinaglalaanan niya ito ng panahon.

Luis inudyukang buntisin agad si Jessy

Naging panauhin ng fengshui expert na si Marites Allen ang engaged couple na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Ani Marites, suki raw niya sa fengshui ang TV host.

May mga pagkakataon pa nga raw na kahit nasa UK siya ay tatawagan siya ni Luis para magkonsulta.

Aminado naman si Luis na ilang beses na rin siyang nagpalit ng posisyon ng kanyang kama bilang pagtalima sa payo ng kilalang fengshui expert.

Balak din ni Luis na ipa-renovate ang kanyang bahay pero pinayuhan siyang pansamantala munang lumipat at bumalik na lang sa kanyang tahanan pagkatapos ng renovation.

Dahil magandang taon daw ang Year of the Metal Ox pagdating sa pag-aasawa at dahil compatible ang kanilang Chinese zodiac signs, pinayuhan din ni Marites si Luis na buntisin agad si Jessy ngayong taon.

Pagdating sa negosyo, successful daw naman ang collaboration ng dalawa.

Willie ‘di kailangan ng co-host

Sa isang panayam, idinenay ni Willie Revillame na naghahanap siya ng bagong co-host sa ‘Tutok To Win.’

Paliwanag ng TV host-actor, hindi niya kailangan ng co-host.

Bagamat paminsan-minsan ay nagiging talk show ito, mga guest hosts lang daw ang naipi-feature nila.

Klaro!

The post Heart never inutangan ng mga ex first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments