Masayang ibinalita ni Jhong Hilario na baby girl ang magiging panganay niya.
“Baby Princess po,” pag-anunsiyo ng It's Showtime host noon January 30, 2021, sa Zoom mediacon para sa grand finals ng "Tawag ng Tanghalan."
“Sasabibin ko na po para sa kung sino ang gustong magregalo,” natawa niyang sabi.
Ayon kay Jhong, sa March manganganak ang kanyang partner of seven years na si Maia Azores.
“Sobrang excited po kasi first baby. Sabi ko nga, iyong nangyaring pandemic, hindi ganun kasama kasi dahil merong blessing na dumating.
“And about sa pregnancy naman ni Maia, okay naman po, nag-iingat naman po. And pagdating sa safety protocols, kailangang gawin, e.”
Bilang first-time daddy, aminado si Jhong na kabado siya, lalo na nga sa sitwasyon ngayon na may pandemic.
“Actually, lahat naman, kahit sino, kahit saan ka magpunta, talagang delikado. So, kabado.
"Pero iyong pagdarasal, hindi naman nawawala para at least, safe tayong lahat.”
Bukod sa health, naging threat din sa kabuhayan ang pandemic, at dumagdag pa ang pagkawala ng franchise ng ABS-CBN.
Mabuti na lang daw at nagpatuloy pa rin ang noontime show nila na It’s Showtime.
“Yes, iyon lang po ang importante, may trabaho pa rin at least, para sa panganganak. And ABS-CBN, thank you so much.”
JHONG ON being inspired by "tawag ng tanghalan" contestants
Ngayong Linggo na ang grand finals ng "Tawag ng Tanghalan" (TNT).
Bilang isa sa mga hosts ng It's Showtime, naniniwala si Jhong na malaking bagay talaga ang totoong kuwento rin ng buhay ng mga contestants, bukod sa husay nila sa pag-awit.
“Mas malaking bagay talaga na nauungkat namin ang mga buhay-buhay nila, e. Kasi, makikita mo sa kanta nila kung paano nila kantahin iyong mga journey nila.
“At saka, may mga contestant talaga na kagaya no’n, may bata na kumanta sa 'Tawag ng Tanghalan,' pero ang kanta niya, sa breakup. Parang hindi mo maramdaman kasi, hindi pa niya nararanasan. Hindi pa siya nagka-boyfriend.
“So malaking bagay na nakikita mo kung saan sila nanggagaling, kung bakit iyon ang kinanta nila.”
Aminado rin si Jhong na sa mga pinagdaanan ng ABS-CBN kasabay ang pandemya na nararanasan pa rin ng bansa, may mga ginawa silang pagbabago sa show.
“Kailangan mong mag-discover ulit ng bagong gagawin, bagong flavor ng show. Kasi nga, nag-iba iyong panahon, e. So lahat tayo, tinamaan talaga,” saad niya.
Hindi rin daw madali ang mag-host ng isang live show, pero wala silang audience.
“For us na mga hosts, napakahirap mag-host ng walang audience. Minsan, humuhugot ka ro’n, e, ng mga stories, patawa mo. Pero ang iniisip namin, maraming may problema ngayon, especially ngayon.
“Kailangang gawin namin ang trabaho namin kasi, makakagaan sa pakiramdam nila. Nagkakaroon kami ng inspirasyon sa mga contestants.
"Kasi, iyong mga contestants, nawalan ng trabaho. Nawalan ng gig, hindi na makakanta, hindi makapag-contest sa fiesta. Gumagawa ng paraan.
“Iyong iba, naririnig namin ang kuwento nila na gumagawa ng paraan. Nagtitinda sa online, doon kami nakakahugot ng inspirasyon na kung sila nakakagawa ng paraan, bakit tayong mga hosts ay hindi gumawa ng paraan?
“And thankful kami na nandiyan ang ABS para mag-continue kung ano man ang ginagawa namin sa show.”
0 Comments