Lim, 5 pa ‘papatigas’ sa Turkey training

Iiwanan ng national karate team ang Philippines Sports Commission (PSC)-Olympic training bubble sa pagdayo sa Istanbul, Turkey sa Pebrero 22, para sa isa pang kampo ng pagsasanay patungo sa huling Olympic Qualifying Tournament.

Nabatid Biyernes kay Karate Pilipinas Sports Federation Inc. (KSPFI) president Richard ‘Ricky’ Lim, na nausog ang Portugal Premier League mula Peb. 14 pa-Marso 12-14 dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 kaya diretso na ang delegasyon sa Istanbul.

Ang apat na karateka na nagsasanay sa bubble sapul noong January 15 sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna ay sina PH 2019 Southeast Asian Games women’s kumite +61-kilogram gold medal winner Jaimie Christine Lim, Sharif Afif, Alvin Bagtican at Ivan Agustin.

Susunod sa Turkey camp na tatagal sa Mayo 15 sa apat na karatista sina Fil-Am Joane Orbon na nagpapraktis sa Estados Unidos ,at Fil-Japanese Junna Tsukii na magbubuhat sa Japan.

Nakatakda ang OQT sa Paris, France sa June 11-13, habang ang 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na ni-reset ay July 23-August 8 ang sulong. (Lito Oredo)

The post Lim, 5 pa ‘papatigas’ sa Turkey training first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments