
Abot-abot ang pasasalamat ni Sharon Cuneta sa mag-asawang Manny and Jinkee Pacquiao dahil sa regalo ng mga ito sa bunso niyang anak na si Miguel.
Ipinost ni Megastar sa kanyang Instagram account ang ilang larawan ni Miguel na may hawak na autographed boxing glove na bigay ni Sen. Pacman.
Ayon kay Sharon, tuwang-tuwa raw si Miguel sa natanggap na gift from his ninong.
“My son Miguel is over the moon right now! His godfather/Ninong Sen. Manny Pacquiao sent him his promised autographed boxing glove!!! Thanks so much, Pare and Mareng Jinkee!!!” ang pahayag ni Shawie sa caption.
Kasunod nito ay nagbiro si Mega kung ano naman ang gusto niyang regalo mula sa mag-asawa.
“Ako pare at mare pag nag-isip kayo ever ng ano ba puede I-gift sakin, puede makilala ko lang si Keanu Reeves tapos handa na ako kunin ni Lord! Hahahaha!” saad ni Sharon.
Pagtatapos niyang mensahe sa Pacquiao couple, “thanks so much for making my son so happy! We love you!!”
Komento naman ng kanyang mga tagahanga, sana raw ay huwag nang makita ni Sharon si Keanu kung kukunin naman pala ni Lord ang idol nila.
Bong humingi ng dasal sa esmi
As we write ay kasalukuyang nasa ospital ngayon si Bacoor Mayor Lani Mercado-Revilla para sumailalim sa angiogram. Base sa Facebook post ng misis ni Sen. Bong Revilla, sinamahan lang niya ang asawa na magpa-check-up last Thursday pero siya ang nakitaan ng health problems.
“Akala ko makakauwi ako agad kahapon after the tests I took here in the hospital. Actually sinamahan ko lang si Sen. Bong Revilla for his tests to find out why he is experiencing lower back pains and other concerns. Yun pala, ako ang may problema,” post ni Mayor Lani last Thursday.
Gayunpaman ay nanatiling positibo ang ina ng Bacoor at nagpasalamat sa Diyos for finding out her health problems.
“God really works in mysterious ways. I believe He made me do all these tests to find out I needed to address certain health concerns.
“Bahala ka na Lord!!! You are my creator and my ultimate healer. I believe in my heart that I still have unfinished business and I know You will take care of me the way You took care of all these years. I love You sincerely with all my
Father God. Provide me with strength and healing Papa God. ������������,” ang pagtatapos ni Mayor Lani
Nag-post din si Sen. Bong last Thursday night at humihingi ng dasal para sa kanyang misis.
“Magandang gabi po. Kumakatok po ako sa inyong muli para samahan kami sa panalangin. Lani will be undergoing an angiogram tomorrow. May nakita kasi sa kanyang annual check-up that needs to be looked at.
“We are praying that it is nothing to be concerned about. Salamat sa inyong mga dasal,” ang pahayag ni Sen. Bong sa FB.
Kahapon ay sumailalim na nga si Mayora sa angiogram at panay naman ang update ni Sen. Bong sa kanyang FB ng mga kaganapan.
Bandang alas-tres ng hapon ay nakuha na nila ang result ng angiogram and luckily, wala naman daw problemang nakita kaya nakahinga na nang maluwag si Sen. Bong.
“Salamat po sa inyong mga dasal.Lani just got out from the room, and angiogram results show no significant concerns. Though she may need to do some medication, doctors said it’s nothing to be worried about.
We praise God for this wonderful news. Thank you for interceding,” ang pagbabalita ni Sen. Bong.
The post Sharon humirit ng regalo kay Pacquiao first appeared on Abante Tonite.
0 Comments