
Iginapos ng Miami si gunner Bradley Beal at sinunog ng Heat ang Washington 122-95 Biyernes ng gabi.
Bago ang laro ay si Beal ang NBA scoring leader sa average na 34.8 points per game.
Kontra Heat, walang pumasok sa unang 13 tira niya at tumapos ng kapiranggot na 7 points lang mula 1 of 14 shooting.
Nawala din ang triple-double threat ng Wizards na si Russell Westbrook na nadiyeta sa 13 points, 3 rebounds at 3 assists.
Sapaw ang dalawa kay reserve Kendrick Nunn na umiskor ng game-high 25 at may 8 rebounds pa para sa Miami.
May 21 points si Bam Adebayo, 17 kay Kelly Olynyk at all-around performance na 14 points, 8 rebounds at 9 assists kay Jimmy Butler sa Heat.
Dumistansiya ng hanggang 37 ang Miami, pinakamalaking agwat ngayong season at pinakamalalim na deficit ng Washington. (VE)
The post Miami Heat ginapos sina Beal, Westbrook first appeared on Abante Tonite.
0 Comments