Leutcheu pumanaw na

NAMAYAPA na sa murang edad na 25 si College of Saint Benilde Blazer Clement Leutcheu kahapon dulot ng sakit sa puso.

Si 6-foot-7 Cameroonian center ay naging parte ng Taft-based squad mula 2016 hanggang 2019.

Nagsimula ang kanyang karera sa college hoops sa ‘Pinas noong NCAA Season 92 at kabilang ito sa nagbigay ng ‘glory days’ sa Blazers.

Magugunitang nagtala ng average na 6.8 points, 6.8 rebounds at 1.4 assist para sa kanyang koponan noong Season 95 si Leutcheu sa loob lang ng 19.7 minutong paglalaro. (Aivan Episcope)

The post Leutcheu pumanaw na first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments