Tinatayang 150 barko ng China ang nakatambay sa West Philippine Sea (WPS).
Sa deliberasyon ng budget ng National Security Council (NSC) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) noong Miyerkoles, nagtanong si Gabriela Rep. Arlene Brosas kaugnay ng mga barko ng China sa WPS.
Sinabi ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon, sponsor ng budget ng NSA at NICA, na mayroong mga barko ng China sa WPS at ito ay binabantayan ng mga sasakyang pangdagat ng Pilipinas.
“About 150 vessels estimated,” sabi ni Biazon na nagsabi na ang sukat ng mga barko ay nasa 30 hanggang 60 metro.
Nang tanungin ni Brosas kung anong klaseng mga barko ng China ang naroroon, sagot ni Biazon: “Sa appearance nila ay mukhang civilian vessels. Kaya nga po ‘yung tinatawag na maritime militia they look like civilian vessel but you know they have some strategic mission to do out there.” (Billy Begas)
The post 150 barko ng China nakatambay sa West PH Sea first appeared on Abante Tonite.
0 Comments