Senado, Kamara unahan kay Mago

Tila nag-uunahan ang Senado at Kamara na makuha ang kontrobersyal na executive ng Pharmally Pharmaceutical Corp. na si Krizle Grace Mago.

Si Mago ay pinadalhan na ng subpoena ng House committee on good government and public accountability at babala ni vice chairman at Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, maaari silang mag-isyu ng warrant of arrest kapag inisnab ng executive ang pagdinig ng komite sa Oktubre 4.

“The proper course of action, kung hindi talaga matanggap ‘yung subpoena, then of course, the second course of action usually is we issue a warrant of arrest,” giit ni Pimentel.

Sabi ng kongresista, kailangan mabigyang linaw ni Mago ang nauna nitong sinabi sa Senado na nagkaroon ng tampering sa expiry dates ng mga face shield dahil ito’y taliwalas sa lumitaw naman sa mga impormasyon mula sa serye ng pagdinig ng Kamara.

Nauna rito ay tinangka ng Senado na isalang sa protective custody si Mago dahil sa pasabog nitong rebelasyon noong nakaraang Biyernes, pero mula noon ay hindi na ito makontak ng Senate Blue Ribbon committee.

Nagbanta na si Senador Richard Gordon, chairman ng komite, na ituring na fugitive si Mago kung patuloy itong hindi makokontak sa cellphone. (Eralyn Prado/Billy Begas)

The post Senado, Kamara unahan kay Mago first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments