Kakasuhan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng pagnanakaw o estafa ang responsable kaya’t nakakuha ng ayuda ang 100 hindi kuwalipikadong mga tao sa ilalim ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).
Ayon DOLE Secretary Silvestre Bello III, nasa P30 milyon hanggang P40 milyong pondo ng TUPAD ang iniimbestigahan ngayon.
Paliwanag niya, may mga pumapel na ‘coordinators’ sa Quezon City na nagbigay ng pera sa mga benepisyaryo na hindi naman nagtrabaho.
Nabatid na suspindedo ngayon ang programa pati na ang payout sa mga benepisyaryo habang nag-iimbestiga ang DOLE.
“Ang nakapagtataka ay kung paano nakakuha ang mga coordinator ng pera na ibinayad. Ang masama pa diyan ay hindi naman binayad lahat,” sabi ni Bello.
Hindi masabi ni Bello kung mag sangkot na taga-DOLE sa anomalya. (Eileen Mencias)
The post DOLE kinakalkal ang rumaket sa P40M ayuda first appeared on Abante Tonite.
0 Comments