DOTr ibubuhos P110M sa railway, mga kalye tinipid – Poe

Binatikos ni Senador Grace Poe and Department of Transportation (DOTr) dahil sa paglaan ng P1 milyong pondo para sa road sector sa 2022.

Sa pagdinig ng Senate committee on finance, sinabi ni Poe na P110 bilyon ang inilaan para sa railway sector mula sa P150 bilyong pondo ng DOTr para sa susunod na taon.

“It is quite shocking that rail will be getting P110 billion tapos sa road, ‘yong budget niyo is P1 million. Parang nakakainsulto ata ‘yon ah,” sabi ni Poe.

“Alam naman natin na road is important. `Yan ang main thoroughfare natin ngayon pero nilalagay niyo lahat sa rail. Nawalan naman ng pondo `yong inyong other areas of concern,” punto pa nito.

Paliwanag naman ni DOTr Secretary Arthur Tugades humiling sila ng P15 bilyon para sa road sector subalit P1 milyon lamang ang inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM).

“Mayroon kaming mga hiningi na budget sa lahat ng sector. Sa road sector, maritime, at aviation, meron. Ang ginawa po ng DBM, inalis po `yon kaya ang budget sa road ay naging P1 million lang for reasons they only know,” paliwanag ni Tugade.

Subalit iginiit ni Poe, na maaari naman bawasan ang panukalang pondo para sa mga railway project at ilipat sa iba pang sektor ng transportasyon. (Dindo Matining)

The post DOTr ibubuhos P110M sa railway, mga kalye tinipid – Poe first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments