NEDA: Bagong lockdown diskarte tumalab vs COVID

Malaki ang posibilidad na maibaba ang quarantine status ngayong Oktubre dahil sa bumababang kaso ng COVID-19.

Sa press briefing sa MalacaƱang, sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendric Chua na gumagana ang bagong sistema na granular lockdown sa Metro Manila dahil bumabalik ang mga trabaho at bumababa ang kaso ng COVID.

Si Chua rin ang director general ng National Economic and Development Authority (NEDA).

“Ang good news pababa na iyong cases, nakikita po natin na starting October mas may opportunity po tayo na ibaba pa further ang ating quarantine classification,” ani Chua.

Sinabi ng kalihim na tama ang istratehiyang granular lockdown na sinimulan sa Metro Manila kaya kailangan aniyang magtulungan ang mamamayan gobyerno para makabalik unti-unti sa dating pamumuhay.

“Naniniwala kami na tama iyong istratehiya natin to have granular lockdowns at habang ginagawa natin iyan sa NCR, pina-pilot natin, bumababa naman iyong cases, so gumagana po,” dagdag ni Chua. (Aileen Taliping)

The post NEDA: Bagong lockdown diskarte tumalab vs COVID first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments