
Hindi nagustuhan ng mga netizen ang paggamit ng ilang politiko kay Mama Mary.
Trending ang hashtag na Mama Mary kahapon matapos kumalat ang tarpaulin kung saan nakasulat ang “The Feast of the Nativity of Blessed Virgin Mary” na ipinagdiriwang kada Setyembre 8.
Mababasa rin ang mga salitang, “Ipagdasal po natin ang patuloy na pag-asenso ng bawat Pamilyang Malabonian.”
Nasa background ng tarpaulin ang dalawang imahe ni Mama Mary.
Pero ang kinabuwisit ng mga Pinoy, nasa magkabilang gilid ng tarpaulin ang larawan nina Kaasenso Enzo Oreta, Mayor Lenlen Oreta, Cong. Jaye Lacson-Noel, at Vice Mayor Ninong Dela Cruz na mga naka-No. 1 sign.
Naimbiyerna ang mga netizen sa pamumulitika ng mga ito sa kaarawan ni Mama Mary. (Issa Santiago)
0 Comments