Ongpin pipigain sa Bree Jonson case

Ni Nancy Carvajal

Nakatakdang i-subpoena ng National Bureau of Investigation (NBI) si Julian Ongpin, at nasa proseso na sila ng pagpapadala ng summons sa address ng huli.

“We will subpoena Ongpin as part of our investigation, if the death of Bree Jonson was suicide or murder,” ani Task Force head lawyer Emeterio Dongallo sa Abante Tonite.

Banggit ni Dongallo, hindi nila alam kung nasaan ngayon si Ongpin, ang sinasabing nobyo ng 30-anyos na nasawing babaeng painter at anak ni bilyonaryo Roberto Ongpin.

“We are now validating his known addresses to serve him the subpoena.”

Nang tanungin ang NBI kung pareho ba sila ng police findings na suicide ang ikinasawi ni Jonson, sagot ni Dongallo:

“It’s hard to immediately say whether it was a suicide or murder. We have to conduct a complete and thorough investigation with forensic tools to get the correct conclusion.”

Dagdag ng task force head, sinimulan na ng grupo ng NBI forensic experts ang imbestigasyon nila noong Miyerkoles matapos makatanggap ng utos mula kay Director Eric Distor.

Magsasagawa aniya ng autopsy ang NBI team sa labi ni Jonson, sa pahintulot ng tatay ng huli na nasa La Union na upang pangasiwaan ang pagdadala ng bangkay sa Maynila.

Ayon sa pulisya, may bakat ng tali si Jonson sa kanyang leeg pero wala namang namataan na sugat sa likod, harap at iba pang bahagi ng kanyang katawan para maipakita na may naganap na panlalaban.

Kinasuhan si Ongpin sa paggamit ng illegal substance pero hindi sa pagkakaroon ng 12.6 gramo ng cocaine na natagpuan sa kanilang hostel room sa La Union kung saan natagpuang patay si Jonson.

Inalis si Ongpin mula sa kustodiya ng pulisya sa utos ng La Union prosecutor’s office na sinaad na ang krimen ay hindi pasok sa warrantless arrest.

Naghain ang pulisya ng dalawang bilang ng paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 laban kay Ongpin nitong Lunes ng umaga pero pinag-utos ng prosecutor ang paglaya nito alas-1:00 ng hapon sa parehong araw.

The post Ongpin pipigain sa Bree Jonson case first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments