Mataas pa rin ang net satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng mga kontrobersiyang kinakaharap ng kanyang administrasyon.
Lumabas sa Social Weather Stations (SWS) survey na isinagawa noong Hunyo na 75% ng mga Pinoy ang kuntento pa rin sa pamumuno ng Pangulo.
Ayon sa ulat ng SWS nitong Huwebes, 13% lamang ang hindi masaya sa pamamalakad ng Pangulo habang 12% ang hindi makapagdesisyon.
Nangangahulugan umano ito na halos walang pinagkaiba ang net satisfaction rating ni Pangulong Duterte sa simula ng kanyang termino at ngayong nasa huling bahagi na siya ng panunungkulan.
“Looking at comparable data points across all the presidents beginning with Corazon Aquino, the noticeable difference for Duterte is that his net satisfaction rating at the beginning of his final year in June of ’21 is roughly the same as his very first satisfaction rating back in September 2016,” pahayag ni Jorge Tigno mula sa SWS.
“If you look at the beginning of the final year of past presidents, we see lower net satisfaction ratings, compared to the ratings when they first assumed office,” dagdag pa nito. (Mark Joven Delantar)
The post 75% ng mga Pinoy kuntento kay Digong first appeared on Abante Tonite.
0 Comments