Toll ‘di sisirit habang pandemya

Inanunsiyo ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa mga motorista at iba pang gumagamit ng expressway sa bansa na wala silang dapat ipag-alala dahil walang toll fee increase na ipatutupad ngayong may COVID-19 pandemic pa.

Ang pagtiyak ay ginawa ni Tugade matapos na lagdaan ang Supplemental Toll Operations Agreement (STOA) para sa Pasig River Expressway (PAREX) sa pagitan ng DOTr at ng San Miguel Corporation.

Sinabi ni Tugade na bagama’t nauunawaan niya ang panawagan ng mga tollway operator para sa pagtataas ng toll rate upang malikom ang kinakailangang pondo para masustentuhan ang kanilang operasyon, dapat rin naman aniyang pro­tektahan ng DOTr, sa pamamagitan ng Toll Regula­tory Board (TRB), ang interes ng publiko, ngayong apektado pa ng pandemya ang ekonomiya. (Dolly Cabreza)

The post Toll ‘di sisirit habang pandemya first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments