11K preso sa NBP naturukan ng COVID bakuna

Nasa 11,000 persons deprived of liberty (PDL) sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ang nabakunahan ng COVID-19 vaccine.

Ayon sa ulat ng Bureau of Corrections (BuCor) Healthcare Services nitong Linggo, first dose pa lamang ng bakuna ang naiturok sa mga naturang PDL.

Samantala, umakyat na sa 28,000 preso sa tinatayang 48,500 PDL sa pitong kulungang pinamamahalaan ng BuCor ang nabakunahan kontra coronavirus. (Mark Joven Delantar)

The post 11K preso sa NBP naturukan ng COVID bakuna first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments