Galamay ng NPA todas sa engkuwentro

Patay ang isang pinaghihinalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) nang makipagbakbakan sa militar sa Barangay Bagtayan, Pasil, Kalinga noong Sabado.

Ayon kay Philippine Army 50th Infantry Battalion commanding officer Lt. Col. Melanio Somera, inaalam pa ang pagkakakilanlan ng nasawing rebelde dahil hindi nila nakitaan ito ng anumang identification card.

Sinabi ni Somera, bago ang insidente, nakatanggap ng impormasyon ang militar kaugnay sa sinasabing pangingikil ng mga umano’y rebeldeng pangkat kung saan tumagal ng halos 35 minuto ang palitan ng putok sa pagitan ng sundalo at ilang miyembro ng Platoon Guevarra ng Kilusang Larangang Guerilla-Baggas.

Ayon sa opisyal, narekober nila ang isang M-16 A1 rifle, mga bala at bandolier at mga kagamitan ng mga armadong grupo sa naturang barangay.

Sinabi ng military na posible umanong may nasugatan sa panig ng mga rebelde batay sa mga nakitang bakas ng dugo sa pinangyarihan ng sagupaan habang wala naman umanong nasugatan sa panig ng militar. (Allan Bergonia)

The post Galamay ng NPA todas sa engkuwentro first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments