29 kelot dinakma sa tupada

Dinakma ng Cavite police ang 29 sabungero sa isinagawang operasyon kontra iligal na tupada sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigan ng Cavite, Linggo ng hapon.

Sa ulat ng Cavite Police Provincial Office, sa pagitan ng alas-11:45 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi, kamakalawa, nagsagawa ng mga anti-illegal gambling operation sa Imus, Bacoor at Kawit.

Sa Brgy. Malagasang 1G, Imus City, apat na kalalakihan ang inaresto habang nasa aktong nagsasagawa ng tupada alas-11:45 kamakalawa ng umaga. Narekober ang isang patay na panabong, dalawang tari at P1,200 pusta.

Nasa P1,300 pusta, dalawang panabong, at tari naman ang nasamsam ng Kawit Police at Provincial Special Ope­ration Group sa Brgy. Toclong, Kawit ala-1:55 ng hapon kung saan inaresto ang apat ding lalaki.

Habang 14 mananabong ang binitbit ng Bacoor City Police, alas-3:45 ng hapon, kamakalawa, sa Brgy. San Nicolas 3, Bacoor City. Narekober ang dalawan­g patay na sasabungin, dalawang tari at P3,400 pusta.

Alas-6:00 ng hapon naman sa Brgy. Molino 2, Bacoor City, Cavite pinosasan ang walong mananabong, at narekober mula umano sa kanila ang P2,200 pusta, dalawang patay na panabong, at dalawang tari. (Gene Adsuara)

The post 29 kelot dinakma sa tupada first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments