Dalawang malaking organisasyon ang nagkapit-kamay para aktibong isulong ang kanilang pinagsanib na adhikain upang tiyakin ang malinis, maayos at tapat na halalang lokal at nasyonal sa susunod na taon.

Ang kooperasyon ay pormal na isinagawa sa pamamagitan ng paglagda sa isang memorandum of agreement sa pagitan ng Integrated Bar of the Philippines (IBP), na siyang mandatory organization ng mga abogado sa bansa, at ang cause-oriented group na Legal Network for Truthful Elections (LENTE).

“Tutulong ang IBP para turuan ang publiko sa iba’t ibang batas sa eleksiyon, mga isyu at mga proseso. Sa pamamagitan ng aming regional chapter at legal aid office, umaasa kaming makakapagsampa ng kaso laban sa mga lumalabag sa election law upang magsilbing halimbawa at babala sa mga lalabag pa,” pahayag ni IBP National President Burt Estrada nang isagawa ang signing rite.

Para naman kay LENTE founding Chairman Christian Monsod, may mahalagang papel ang mga abogado at mga law student para tiyakin na mananaig ang mga batas at maririnig ang boses ng taumbayan, lalo na ang mga maliliit at ‘mahihinang’ sektor.

Sabi naman ni LENTE Executive Director Ona Caritos, ang partnership ng mga legal professional at iba pang stakeholder na kinabibilangan ng publiko ay napakahalaga para makamit ang tunay na 2022 election.

The post IBP, LENTE handa na sa 2022 eleksiyon first appeared on Abante Tonite.