Hebigat na parusa vs madayang timbangan aprub

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukala na nagpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga nagtitinda na umano’y dinaraya ang kanilang timbangan para magulangan ang kanilang mamimili.

Walang tumutol sa pagpasa ng House Bill 3255 o ‘Timbangan ng Bayan’ Bill na nakatanggap ng 175 boto sa ses­yon ng plenaryo, Lunes.

Sa ilalim ng HB 3255 ay magtatayo ang mga lokal ng pamahalaan ng ‘timbangan ng bayan center’ sa lahat ng mga palengke sa bansa upang mayroong magamit ang mga kustomer para malaman kung wala sa tamang timbang ang ibinigay sa kanilang produkto.

Ayon sa panukala, itataas sa P50,000 hanggang P300,000 ang multa laban sa mga mandaraya o/at kulong na hindi bababa sa limang taon.

Kasama sa parurusahan ang mga gumagamit ng timbangan na sinira upang mas kaunti ang maibigay na produkto sa customer, gayundin ang sisira sa mga ikakabit na timbangan ng bayan. (Billy Begas)

The post Hebigat na parusa vs madayang timbangan aprub first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments