Dahil umano sa ayaw maakusahan ng kasong panggagahasa ay isang lalaki sa bayan ng Sta. Cruz, Ilocos Sur ang nagputol ng kanyang ari kamakalawa.
Sa report ng Sta. Cruz Police Station (SCPS), ang lalaki ay itinago sa pangalan na ‘Jun’, residente ng nasabing bayan.
Si Jun ay pabalik-balik umano sa kanilang tahanan na tipong may problema ito, batay sa inisyal na report, ayon sa SCPS.
Saad ng pulisya, nagbihis pa umano si Jun ng kanyang damit at may kausap umano ito sa telepono.
Napag-alaman na ang biktima ay kumuha ng blade at pinutol ang kanyang ari at bayag sa likod ng bahay nila.
Ayon sa mga opisyal ng barangay, ayaw umano ng biktima na maakusahan ng kasong rape kung kaya pinutol niya ang kanyang ari.
Samantala, sa isang panayam, sinasabing binanggit ng biktima na pinutol niya ang kanyang ari matapos ibulong ito ng isang babae sa kanya.
Sa ngayon, nasa ospital na si Jun at maayos na ang lagay. (Allan Bergonia)
The post Sariling ari pinutol ng blade first appeared on Abante Tonite.
0 Comments