Bree Jonson case nabitin sa PNP report

Hindi pa naibibigay ng Philippine National Police (PNP) ang kumpletong forensic examination record nito sa National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa pagkamatay ng artist na si Bree Jonson, mahigit tatlong buwan na matapos ang pangyayari.

Ayon sa mga source na pamilyar sa imbestigasyon, hindi pa tapos ang NBI sa pagtukoy kung nag-suicide o pinaslang si Jonson dahil hinihintay pa ang PNP report.

“We are just waiting for the DNA report of PNP to complete the Jonson case inquiry,” sabi ng isang source.

Mahalaga aniya ang naturang report sa isinasagawang imbestigasyon para malaman kung nagpakamatay o pinatay si Jonson.

“The DNA result is needed to establish identities of both Julian

Ongpin and his dead girlfriend,” ayon pa sa source.

Una nang sinabi ni Julian Ongpin, anak ng bilyonaryong si Roberto Ongpin, sa mga imbestigador na nagpakamatay ang kanyang kasintahan.

Subalit hiniling ng ina ni Jonson na siyasatin din ng NBI ang pagkamatay ng kanyang anak.

Samantala, una na ring kinasuhan si Ongpin ng possession of illegal drugs ng Department of Justice matapos na makatagpo ng 12 gramo ng cocaine ang mga rumespondeng pulis sa tinuluyan nilang kuwarto ng isang resort sa La Union.

Subalit kalaunan ay ibinasura ng La Union Regional Trial Court ang drug case dahil umano sa teknikalidad.

Nabatid na kapwa nagpositibo umano sa paggamit ng cocaine ang magkasintahan. (Nancy Carvajal)

The post Bree Jonson case nabitin sa PNP report first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments