Lola bistado sa Pag-IBIG scam

Sa bisa ng isang entrapment operation ay nalambat ng mga awtoridad sa Cavite ang isang 63-anyos na babae na inirereklamo sa pagbebenta ng pekeng bahay at lupa.

Ayon sa isang ulat noong Martes, kinilala ang suspek na si Trinidad Dumpit.

Si Dumpit ay sinet up ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group ng PNP sa aktong pagtanggap ng pera mula sa isa niyang biktima.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nagpapanggap si Dumpit na konektado sa Pag-IBIG Fund at nag-aalok ng foreclosed na bahay at lupa na hindi naman totoo.

Karaniwan umano sa mga naloko ng suspek ay mga overseas Filipino worker at mga kawani ng gobyerno, kung saan sa kabuuan ay nasa P10 milyon na ang kanyang natangay.

Samantala, itinanggi na ng Pag-IBIG Fund na konektado sa kanila si Dumpit. (Mark Joven Delantar)

The post Lola bistado sa Pag-IBIG scam first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments