Anabelle Rama yari sa cyber libel ng ex-staff ni Pacman

Sinampahan ng kasong cyber libel ng National Bureau of Investigation (NBI) si Annabelle Rama kaugnay sa reklamong inihain ng dating business associate ni Senator Manny Pacquiao na si Jayke Joson.

“The NBI formally wrapped up its probe and recommended to file a cyberlibel raps against Annabelle Rama in Las Piñas City Prosecutor’s Office,” sa isang pahayag ni Joson.

Una nang inireklamo ni Joson si Rama dahil sa post nito sa social media noong 2021 kung saan inakusahan siyang magnanakaw nu’ng panahong kasama pa niya si Pacquiao.

“I pursue this case to fight a bully and a spreader of fake news,” ani Joson na tumatakbo ngayong Halalan 2022 sa ilalim ng Frontliners party-list. “These people who act like trolls like Annabelle Rama are creating fake news to discredit the name of a person for personal gain.”

Ayon kay Joson, hindi niya matatanggap na dungi­san ni Rama ang malinis niyang pangalan.

“Bigyan natin ng sampol ang mga walang habas na gumagawa ng maling impormasyon sa kanilang personal accounts. Labanan natin ‘yan!” dagdag ni Joson.

Si Rama ay sinampahan ng kaso ni NBI special investigator Waldo Palattao kasama si Joson.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Atty. Maggie Abraham, hindi pa nila nababasa ang detalye ng kaso.

Hihintayin na lamang umano nila ang subpoena ng korte para makasumite ng kanilang counter-affidavit.

Sinabi rin ni Abraham na una nang nagsampa ng cyber libel case si Rama laban kay Joson noong Dis­yembre 7, 2021 sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Ito ay matapos tawagin ni Joson si Rama na swindler at maraming naka­binbing kaso ng estafa. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Anabelle Rama yari sa cyber libel ng ex-staff ni Pacman first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments