Pamilya ng mga nawawalang sabungero nagprotesta

Tinangka ng mga kamag-anak ng mga nawawalang sabungero mula sa Bulacan, Maynila, at Laguna na magsagawa ng kilos-protesta sa Mendiola sa Maynila.

Pasado alas-11:00 ng umaga nang dumating ang mga kaanak ng mga nawawalang sabungero bitbit ang larawan ng kanilang mga mahal sa buhay para ipanawagan sana ang kanilang hinaing sa gobyerno na resolbahin ang pagkawala ng kanilang kaanak.

Gayunman, nabigo ang mga kamag-anak na makapagsagawa ng programa nang hindi sila payagan ng mga tauhan ng Manila Police District.

Kabilang sa 20 nawawalang sabungero ay sina Domingo Carable Jr., Manny Magbanua, at Ariel Basas na may ilang buwan at linggo nang nawawala.

Ayon sa kanilang mga kapamilya, hindi na nakauwi sa kanilang mga bahay ang mga naglahong sabungero matapos na umalis para magsabong. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Pamilya ng mga nawawalang sabungero nagprotesta first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments