Mag-asawa tinodas ng tandem

Dedbol ang mag-asawa nang barilin ng dalawang gunman sa loob ng kanilang bahay sa Gubat, Sorsogon.

Kinilala ni Police Major Christine Llorin, Gubat police chief, ang biktima na si Rodolfo Gaban, isang karpintero at asawa nitong si Gloria, na kapwa residente ng Barangay Paco.

Ayon sa police report, ang apat nilang anak ang mga saksi sa krimen.

Sinabi nilang natutulog na ang kanilang ama na si Rodolfo nang pumasok ang dalawang lalaki sa bahay at binaril ito sa ulo bandang alas-12:30 ng hatinggabi ng Lunes.

Saad ng hepe, nagmakaawa pa si Gloria sa mga suspek na huwag siyang patayin pero binaril pa rin siya.

Samantala, hindi naman sinaktan ng mga suspek ang apat na bata at sumakay na ng motorsiklo matapos ang pamamaril.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo sa pagpatay sa mag-asawa. (Kiko Cueto)

The post Mag-asawa tinodas ng tandem first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments