Kinalampag ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang Department of Tourism (DOT) at Bureau of Quarantine (BOQ) para dagdagan ang mga accredited testing laboratory dahil sa mabagal na paglabas ng resulta ng RT- PCR test ng mga pasaherong umuuwi sa bansa.
Nakarating sa Malacañang ang reklamo ng mga overseas Filipino worker (OFW) at mga balikbayan na dahil sa matagal na resulta ng kanilang swab test ay nagtatagal sila sa quarantine hotel. Ang mga balikbayan ay nauubusan na umano ng pambayad dahil sa paghihintay sa swab test result.
Sinabi ni acting Presidential Spoksperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na hindi sila tumitigil sa pagpapaalala sa dalawang ahensiya para dagdagan ang mga laboratoryong magpoproseso sa swab test ng mga pasaherong dumarating sa bansa.
“Every time may IATF meeting, we consistently remind the DOT and the BOQ to consistently and constantly increase the number of laboratories accredited para aa ganoon maraming options iyong ating mga passenger,” ani Nograles.(Aileen Taliping)
The post IATF sinita swab test sa mga balikbayan, OFW first appeared on Abante Tonite.
0 Comments