‘Nagoyo’ hacker sa abroad tinago ninakaw

Nakakulimbat ang mga suspek sa Banco de Oro digital heist ng milyon-milyong piso online pero na kay nino ang pera?

Magugunitang limang suspek na tinaguriang ‘Nagoyo’ hacker kabilang ang dalawang Nigerian national, na sangkot sa BDO hacking ang inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) sa magkakahiwalay na mga operasyon nitong nakaraang linggo.

Isa sa mga dinakip si Clay Revillosa, 27-anyos, na isa sa mga most wanted ng NBI-Cybercrime Division (CCD).

“We know him as X-man, now that we have arrested him, we expect that digital robbery through illegal access will be reduced,” sabi ni Vic Lorenzo, assistant regional director at pinuno ng kabubuo pa lamang na NBI-CCD Central Task Force.

Sa isang panayam sa Tonite, giniit ni Revillosa na naka-hack na siya ng ilang government, corporate at banking systems para makalikom ng datos, kabilang ang BDO mailing list na may nasa 700 depositor.

“I started 2016 and sold mailing list/database to unknown clients,” kuwento niya pa.

Ang pinakamalaki niya aniyang nakuha ay P1.5 milyon para sa isang company database.

Gayunpaman, nanindigan si Revillosa na siya ay nananatiling “mahirap at wala man lang sariling kotse.”

Samantala, dalawa sa mga suspek na kinapanayam ng Tonite ang nagsabing nakatanggap sila ng P50,000 at P40,000 para sa nasabing aktibidad.

“I was paid P50 thousand for the mail blast, I don’t really know how much was taken from that project,” ayon sa isang suspek.

Ang naging gawain lang umano niya ay pagse-send o pagre-reply ng pekeng link.

“I reply to email and extract the data, then forward them to another person also online”

Habang ang isang babaeng suspek ay nakatanggap ng P40,000 sa pagbe-verify ng account.

“I was the one who called up depositors. I was given a script to read,” saad ng suspek na binanggit na pinaghatian nila ng kanyang rekruter ang kanyang fee.

Nasaan ang pera?

Kamakailan lang, sinabi ni Central Bank governor Benjamin Diokno na nasa P2 bilyon ang nawala dahil sa online fraud.

“The loot does not stay here in the country, it’s sent abroad,” ayon naman kay Lorenzo.

Sa isa ring panayam sa Tonite, inamin ng isang Nigerian suspek na nakuha niya ang mga account number mula sa kanyang mga kababayan na nasa Singapore at Nigeria.

“I get the account numbers from my compatriots based abroad. I was paid P8,000 for the job.”

Dagdag niya, binibili niya online ang mailing list sa isang tao na nandito sa Pilipinas, at ipinadadala ito sa kanyang mga kasamahan sa Nigeria at Singapore.

The post ‘Nagoyo’ hacker sa abroad tinago ninakaw first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments