Lusot sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukalang magre-regulate sa operasyon ng motorcycles-for-hire.
Sa pamamagitan ng voice vote, inaprubahan ang House Bill 10571.
Nakassad sa panukala ang mandatong kailangan rehistrado sa Land Transportation Office (LTO)ang motorsiklong gagamiting motorcycles-for-hire.
Sa ilalim ng nasabing panukala, inaatasan ang LTO na magtakda ng mga alintuntunin sa pag-isyu ng lisensiya gayundin ang pagsagawa ng safety trainings para sa mga rider kasama na ang pagsisiguro sa kaligtasan ng mga pasahero.
Ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pakikipag-ugnayan sa local government units ay inatasan para mag isyu ng prangkisa sa mga motorcycles-for-hire sa mga urban area.
Ang LTFRB rin ang magtatakda ng pamasahe at iba pang transportation fees na maaaring singilin ng operators, e-commerce platform providers at transport network companies. (Eralyn Prado/Billy Begas)
The post Motorcycle-for-hire umusad sa Kamara first appeared on Abante Tonite.
0 Comments