Ipinaubaya na ng MalacaƱang sa National Telecommunications Commission (NTC) ang pagpapaliwanag sa isyu ng dating frequency ng ABS-CBN na ibinigay sa kompanyang pag-aari ng pamilya Villar.
Sinabi ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na naglabas na ng pahayag ang NTC na bago ibinigay ang frequency sa Advanced Media Broadcasting System Inc. ay hiningi nila muna ang opinyon ng Department of Justice.
Ginawa aniya ng NTC ang paggagawad ng provisional authority sa kompanya ni Villar para gamitin ang Channel 16 na dating ginamit ng ABS-CBN batay sa kanilang mga panuntunan at alinsunod sa umiiral na batas.
“It’s really up to the NTC based in their rules and regulations and based on existing laws,” giit ni Nograles.
Subalit sinabi rin ni Nograles na humingi ng guidance ang NTC sa Office of the President para magamit ang mga bakante at hindi nagagamit na frequency at walang binanggit kung kaninong kompanya ibibigay ang mga ito. (Aileen Taliping)
The post NTC dumaan sa Palasyo bago pinarte ABS-CBN first appeared on Abante Tonite.
0 Comments