4 sabungero nirapido ng armalite

Iimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang naganap na pamamaril sa San Carlos City, Negros Occidental Linggo ng umaga na ikinasawi ng tatlo katao at ikasugat ng isa pa nilang kasamahan matapos silang tambangan ng hindi pa kilalang mga salarin habang patungo sa sabungan.

“A thorough investigation is ongoing while the PNP is trying to identify the profile of the victims. We condemn this blatant act of violence that should ultimately be resolved,” pahayag ni PNP Chief Ge­neral Dionardo Carlos sa inilabas nitong statement kahapon.

Saad pa ng hepe, inatasan na ng Western Visayas Regional Police Office ang Negros Occidental Police Provincial Office na maghanap ng mga saksi at mga security camera footage para mabigyang-linaw ang insidente.

Naganap ang pamamaril alas-10:00 ng umaga nitong Linggo sa Sitio Villa Elena, Brgy. Palampas, San Carlos City.

Kinilala ang mga agarang nasawi sa lugar ng pananambang na sina Andre Fajardo, 18-anyos, ng Ylagan Ext. Brgy. 6, at Russel Bacao, 40, ng Urban Phase 1 sa Brgy. Rizal, parehong sa San Carlos City.

Samatala, namatay habang ginagamot sa ospital ang isa pa na nakilalang si Rudy Dela Fuente, 51, habang nasa kritikal na kondisyon si Renante Chui, 27, ng San Juan Baybay, Brgy. 6 ng nasabing lungsod.

Base sa imbestigasyon, lulan ng kotse ang mga biktima patungo umano sa isang sabungan nang tambangan sila ng mga suspek na sakay naman ng kulay grey na van.

Nakuha sa lugar ng insidente ang mga basyong bala ng M16 rifles. (Edwin Balasa)

The post 4 sabungero nirapido ng armalite first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments