Kapitan ginilitan na, binurdahan pa ng saksak

Laslas ang leeg at tadtad ng saksak sa katawan ang isang barangay chairman na nakita sa gilid ng kanyang bahay sa Brgy. Lasip, Malasiqui, Pangasinan noong Biyernes ng hapon.

Kinilala ng Malasiqui Municipal Police Station (MMPS) ang biktima na si Benigno de Luna, 54, barangay chairman, ng Brgy. Lasip ng nasabing bayan.

Ayon sa inisyal na imbestigation ng MMPS, nakita ang bangkay ni De Luna ng isang bet collector na si Rene Mejia, dakong alas-2:20 ng hapon, sa paradahan sa gilid ng kanyang bahay.

Agad na ipinagbi­gay-alam sa pulisya ang natagpuan kaya agad rumesponde ang mga pulis.

Dito nakita si De Luna na laslas ang leeg at binurdahan ng saksak ang kanyang dibdib.

Nabatid na isinugod pa ang kapitan sa Malasiqui Municipal Hospital ngunit siya ay dead-on-arrival, ayon sa mga medical expert.

Saad ng MMPS, ma­laki ang galit ng hindi pa nakikilalang suspek na tumakas pagkatapos ng pananaksak.

Sa ngayon, nagsasagawa ng follow-up investigation ang pulis upang matukoy ang pagkakakilanlan ng salarin. (Allan Bergonia)

The post Kapitan ginilitan na, binurdahan pa ng saksak first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments