COVID case 5 araw na mababa sa 10K

Magkakasunod na limang araw nang mababa sa 10,000 ang mga naitatala na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH) kahapon, may 7,689 indibiduwal na bagong tinamaan ng virus kung kaya’t umakyat sa 3,601,471 ang kabuuang kaso nito sa bansa.

Mas marami naman ang gumaling na naitala sa bilang na 22,539 kung kaya’t umabot na sa 3,410,821 ang kabuuang bilang ng mga indibiduwal na nakarekober matapos tamaan ng COVID.

Habang isa lamang ang nasawi na nadagdag sa kabuuang 54,214 bilang ng mga pasyenteng namatay sa virus.

Bumababa na rin ang mga aktibong kaso ng COVID na naitala kahapon sa 136,436.

Karamihan sa mga aktibong kaso ay pawang mild lamang na nasa 124,476 habang 7,069 ang walang nararamdamang sintomas o asymptomatic.

Nasa 3,106 ang moderate; 1,468 ang severe; at 317 ang kritikal.

Patuloy pa rin ang paalala ng DOH sa publiko na manatiling sundin ang mga health protocol para iwas hawa sa coronavirus katulad ng pagsusuot ng face mask, physical distancing at paghugas ng kamay.

“Sa oras na makaramdam ng sintomas, agad na mag-isolate at magpa-test,” payo pa ng DOH. (Juliet de Loza-Cudia)

The post COVID case 5 araw na mababa sa 10K first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments