Sinibak bilang miyembro ng National Press Club of the Philippines (NPC), pinakamalaking organisasyon ng mga aktibong miyembro ng press, si Jaime Aquino, dating provincial correspondent ng Pangasinan para sa diyaryong Manila Times.
Ito ang inanunsyo ni NPC President Paul Gutierrez sa ginanap na joint press conference kasama sina Palace Undersecretary Joel Sy Egco at Atty. Freddie Villamor, na si Aquino at kanyang grupo sa Pangasinan ay inakusahang lumikha ng mga gawa-gawang kaso na nagresulta sa pagkakakulong ng siyam na buwan sa Pangasinan ng client ni Villamor, si Arkie Manuel Yulde.
Si Yulde, kritiko ng isang politiko sa Quezon province, ay ikinulong sa alegasyon ng rape at kidnapping cases na ikinasira ng kanyang pangalan at reputasyon sa media at dahilan ng hindi napapanahong pagkamatay ng kanyang mga magulang.
Matatandaang si Aquino at kanyang grupo na binubuo ng kanyang live-in partner, at ilang mga tiwaling miyembro ng Pangasinan press, ang nasa likod umano ng mga gawa-gawang kaso laban kay Cagayan Export Zone Authority administrator at Northern Luzon Presidential adviser Secretary Raul Lambino at asawang si Mangaldan Mayor Marilyn Lambino.
Pang-apat na si Aquino na miyembro ng NPC na tinanggal sa nasabing organisasyon dahil sa gross violation of the Journalist Code of Ethics and its policies mula noong 2016. (Allan Bergonia)
The post Dating Pangasinan journo sinipa ng NPC first appeared on Abante Tonite.
0 Comments