Bakunahan ikakasa sa LRT

Magkakaroon ng pagkakataon ang mga pasahero ng Light Rail Transit (LRT) Line 2 na makapagpabakuna ng COVID-19 vaccine simula Pebrero 22.

Ito ay dahil ayon sa anunsyo ng Light Rail Transit Authority (LRTA) nitong Linggo, magkakaroon ng vaccination sa Recto station at Antipolo station ng LRT 2.

“Commuters may take the train and get vaccinated for the first dose and the booster shots at Recto station every Tuesday and Thursday from 8 a.m. to 5 p.m. and at Antipolo station every Wednesday and Friday from 8:30 a.m. to 4:00 p.m.,” saad sa pahayag ng LRTA.

Ngunit bago makapagpabakuna sa mga nasabing estasyon, dapat ay magparehistro muna sa manilacovid19vaccine.ph ang mga magpapaturok sa Recto habang sa antipolobantaycovid.appcase.net para sa magpapabakuna sa Antipolo station. (Mark Joven Delantar)

The post Bakunahan ikakasa sa LRT first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments