Kotse inulan ng bala, 3 tepok

Dedbol ang tatlo katao habang sugatan ang isa pa matapos silang tambangan ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa Brgy. Palampas, San Carlos City, Negros Occidental nitong Linggo.

Kinilala ang mga nasawi bilang sina Andre Briones Fajardo, 18-anyos; Russel Fajardo Bucao, 40; at Rudy Capuyan De La Fuente, 51.

Samantala, ang isa nilang kasamahan na si Renante Palabrica Chui, 27, ay nakaligtas sa kabila ng ilang tama ng baril at kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, sakay ng puting kotse ang apat ng biktima nang salubungin sila ng apat na hindi pa nakikilalang lalaki at pinagbabaril.

Hindi pa rin tukoy ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan at motibo ng mga suspek.

“We are still conducting an investigation to identify the perpetrators and the motive behind the killings,” pahayag ni P/Lt. Col. Jesus Mesahon Jr. ng San Carlos City police.

“We are looking for witnesses because the incident happened in a remote area where there are no houses,” dagdag pa niya. (Mark Joven Delantar)

The post Kotse inulan ng bala, 3 tepok first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments