Edad 12-17 nganga sa booster

Wala pang booster shot para sa mga kabataang nakatanggap ng primary shot sa edad 12-17.

Ito ang inihayag sa Malacañang press briefing ni Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa harap ng patuloy na vaccination rollout ng gobyerno laban sa COVID-19.

Ayon kay Vergeire, wala pang sapat na pag-aaral para magbigay ng booster shot sa mga kabataang edad 12-17 at sapat aniya ang kanilang proteksiyon laban sa COVID-19 mula sa una at pangalawang dose.

“Sa ngayon wala pang sapat na pag-aaral para makapagbigay ng booster doses for our 12-17 years old. Until now evidence still points na ‘yung primary series ng mga ganitong adolescent children ay enough pa rin para sa kanila to protect from severe infections, hospitalization and deaths,” ani Vergeire.

Tiniyak ng opisyal na agad ibibigay ang booster para sa mga kabataan sa sandaling irekomenda ng mga eksperto na maaaring bigyan ang mga ito. (Aileen Taliping)

The post Edad 12-17 nganga sa booster first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments