Bangkay ng rider naagnas sa kanal

Isang motorcycle rider ang natagpuang patay na at naaagnas na ang bangkay sa madamong kanal sa Barangay Appas, Tabuk City, Kalinga kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng Tabuk City Police Station ang nasawi na si Ramel Jimenez Caro, 34-anyos, isang laborer at taga-Lemery, Iloilo.

Base sa report ng Traffic Management Unit, ilang pulis na nagpapatrolya sa nasabing barangay ang nakakita sa bangkay ni Caro sa madamong kanal.

Nakita rin sa tabi ng bangkay ang motorsiklo ng biktima.

Ayon sa pulisya, tatlong araw nang hindi pumapasok sa trabaho ang biktima.

Iniimbestigahan pa ang insidente para mabatid kung ano ang ikinamatay ng biktima. (Allan Bergonia)

The post Bangkay ng rider naagnas sa kanal first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments