Edu pabor kay Ping

Updated at mukhang masusi talagang sinusubaybayan ng aktor na si Edu Manzano ang mga kaganapan sa kampanya ng mga kandidato ngayong eleksiyon.

Matapos na magkomento si Edu sa Twitter kamakailan tungkol sa presidential debate ng CNN, ngayon naman ay single word lang pero ika nga eh sapat na ang pagsang-ayon niya sa posisyon ni Presidential bet Ping Lacson kontra sa pagbibigay ng “kodigo” o advance questions sa mga sasali sa debate.

Isang mariing “Tama!,” with exclamation point talaga ha ang komento ni Edu tungkol sa isang nag-post ng “quote card” sa posisyon ni Ping kontra sa kodigo debate.

Nakasaad sa qoute ni Ping na “Ayaw ko! Isang malutong at may bagsak na ayaw ko! Para kang nagbigay ng leakage. Parang lokohan lang. Dapat nag-aral sila at walang advanced questions.”

Tama naman kasi na kaya mayroong debate eh para malaman ng mga tao ang kahandaan ng mga kumakandidato sa pagharap sa mga isyu at ano ang mga plano nila sakaling manalo. Kung hindi nila alam ang sagot o wala siyang maisagot, ibig sabihin eh hindi sila handa o wala talaga silang nakahandang plataporma, kundi puro porma lang.

Sa nakaraang debate nga ng CNN, napansin ni Edu na sina Lacson at Leni Robredo ang pinakamayroong kongkretong programa para namuno sa bansa.

“Why aren’t we talking about Ping Lacson and Leni Robredo? They had the concrete programs and priorities last night. BBM wasn’t even there!” sabi ni Edu sa kaniyang post kamakailan.

Sa mga nagtataka kung bakit mahilig din sa politics si Edu, aba’y dati na siyang local politician, at naging senatorial at vice presidential candidate din noon. Kaya hindi lang siya pang-artista, pang-politika rin. (RFC)

The post Edu pabor kay Ping first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments