Ex-cop tinodas ng tandem sa haybol

Patay ang isang retiradong pulis matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem sa kanyang bahay sa Barangay Banjo East, Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktima na kinilalang si Valeriano Parra, 65-anyos, dating nakatalaga sa Criminal Investigation and Detection Group sa Batangas.

Batay sa ulat ng Tanauan City Police, dakong alas-5:45 ng hapon habang nakaupo ang biktima sa terrace ng kanyang bahay nang dumating ang mga suspek na sakay ng motorsiklo.

Pagtigil sa harap ng bahay, pinagbabaril ng backrider ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Agad ding tumakas ang mga suspek.

Isinugod naman ang biktima sa Daniel Mercado Medical Center (DMMC) subalit ideneklara itong dead on arrival.

Blangko pa ang pulisya sa motibo ng pamamaril at patuloy pa ang imbestigasyon para matukoy ang mga suspek. (Ronilo Dagos)

The post Ex-cop tinodas ng tandem sa haybol first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments